Bibo ang pangalan ng kaibigan ko. Sabi ng mga magulang nya bibo daw sya kaya ayon ang ipinangalan sa kanya. ala sa-is ng gabi ng pumunta ng bahay namin si bibo at nagkwentuhan kami tungkol sa kanyang eskwela.
Para kay bibo isang malaking kagaguhan ang pagpasok sa eskwela, nabaligtad ata ang ibig sabihin ng kanyang pangalan, medyo may pagkatanga si bibo, lagi kasing pinapagalitan ng magulang, parati pang sinasabihan ng bobo. Ayan tuloy natuluyan ang utak naging utak lamok tuloy si bibo. Hindi ko na masyadong sasabihin ang iba pang detalye tungkol kay bibo.
Anu na kwento ko na kung anu ang mga pangyayari sa buhay ni bibo.
Unang araw nya sa klase, walang kaibigan (ako lang ang kaibigan nya). Madalas tinutukso ng mga ka eskwela nya na tanga sya. Dumating ang titser ni bibo (binabase ko lang ang kwento ko sa kwento ni bibo sa akin) tumayo ang lahat at nagbigay galang, tulad ng dati noong tayo ay mga musmos na bata palang, babatiin natin ang ating guro ng kahaba-habang  MMAAAGAAANDDDANGGG UMMMAAAGAA POOO BINIIIBIINING INNNNDDAAY(itago nalng natin sa pangalang inday). Nagsimula na ang klase, Matematiks ang unang pag-aaralan. Pagdating sa numero, numero unong mahina si bibo sa mga ganyan (sfx:tawa ng malakas. Bibo : galit ) May pagsasanay sa blackboard (bakit ba blackboard ang tawag nila sa kulay dark green na board na iyon, diba ang black ay itim, hanep din ang eskwelahan kung magturo board nalang naging black pa) si bibo ang unang pinag tripan ng titser nya. Division ang binigay na problema hindi masagot ni bibo, tumawa ang buong klase, naku napahiya na pati ako natawa sa kwento nya. Pinarurusahan ng titser nya ang hindi makasagot,(sfx: katahimikan, malamig ang hangin), Pinatayo si bibo at ipinasubo ang chalk, tumatawa ang ibang klasmates, ung iba naman naaawa. Isa na dun ang krush ni bibo na si jennifer(maganda, bungi ang mga ngipin, singkit at maputi). Okey lang kay bibo ang mga nangyayari sa kanya sanay na siya sa mga ganung bagay.
Makalipas ang tatlumpung minutong pagkakatayo at pagkakasubo ng chalk. Napagod si bibo (medyo may pag kabaduy si bibo lalu na paggutom) kinain nya ang chalk at nakita ito ng titser nya
titser : bakit mo kinain ang chalk? pinasubo ko lng sayo ang chalk!(pasigaw)
bibo : gutom na po ako at pagod, ang sarap ng chalk lasang chokonut. (pangaasar na ngiti)
lalong nagalit ang titser ni bibo sa kanya, pero hindi natin maiiwasan ang mga ganung bagay, dahil si bibo ay isang bata lang na kailangan ng kalinga at pagmamahal dahil hindi niya ito nararamdaman sa kanyang magulong.
Balik sa bahay namin :
ako : bakit mo nga ba kinain ang chalk?
bibo : lasang chokonut eh.
ako : masamang kainin un  alam mo ba?
bibo : okey lng iyon itatae ko namn eh..
pinakain ko muna si bibo sa bahay namin mukang gutom eh at pagkatapos umuwi na para maglaro sa labas.. bukas daw ay kwentuhan nya daw ulit ako.
Masayang kasama si bibo, hindi dahil tatanga-tanga siya kundi dahil isa siyang masayahin na bata. Masayang bumalik sa pagkabata kaya tuwing nakikita ko si bibo ako ay naiinggit at gustong bumalik sa pagiging bata. Abangan ninyo ang mga susunod kong istorya tungkol kay Bibo ang masayahin bata.
January 26, 2010 at 3:03 pm
mr. gagawin ko tong pelikula! its great!!
keep up pare
January 26, 2010 at 3:11 pm
shot pa. hahahaha. bibo ang pangalan ng aso ko lol
January 26, 2010 at 3:36 pm
ayaw mo nun may kapangalan na aso mo ? haha