6 : 00 ng gabi nanaman padating na si bibo para ikwento ang bagong nangyari sa kanya sa school niya kanina.
Tita: (tinatawag ako) May bisita ang batang makulit
ako : (sa utak nagsasalita) ayan na si bibo. (pababa ng kwarto)
Sinalubong ako ni bibo sa hagdanan kung saan ang hagdan na iyon ay patungo sa aking malinis na kwarto.
bibo : masaya ang naging araw ko ngaun may nakilala ako. bago kong klasmate at kaibigan.
ako : simulan mo na ang istorya mo gagawa pa ako ng takdang aralin ko.
Sinisimulan na ni bibo mag kwento.
alas otso ng umaga papasok na si bibo sa eskwelan, walang kain at hindi pa nakaligo (minsan nakakalimot si bibo maligo lalo na kung papasok na sya) malalate na siya sa pagpasok kaya nagmamadali. Walang pamasahe para sumakay kay edgar the sidecar boy. Medyo malayo-layo ang iskul ni bibo. Apat na kanto siguro ang kailangan nyang daanan para makarating sa iskul niya.
Pagdating sa eskwelahan. Siya na lang ang istudyangteng hinihintay sa loob ng kanyang klasroom. Tulad ulit ng dati paparusahan nanaman siya ng kanyang titser. Walang pinasubong chalk kay bibo, ang malas daw dahil hindi nanaman nya matitikman ang chalk na lasang chokonut. Pinatayo sa likod si bibo ang parusa sa mga istudyanteng nalalate iskul. Medyo mababa ang parusa pero okey un kay bibo. Malapit kasi sa kanyang kinatatayuan ang krush niyang si jennifer. Kinilig naman ang bata, sampung minuto lang ang pagkakatayo niya sa likuran (Nakakaistorbo daw kasi sa klase), hindi kasi siya mapakale hindi dahil sa pagod kundi dahil andun ang kanyang krush.
Unang pagaaralan, matematika ulit. Ang swerte nga naman ni bibo, hindi siya tinatawag ng titser niya tuwing may gagawin sa unahan. Tuwang tuwa naman.
(sfx: tok tok sa pintuan ng klasroom)
Isang matandang babae may kasamang bata, may pagkawirdo din, at ang sabi ni bibo mahina din daw ang utak. Bakante ang silya na malapit kay bibo. Pina ayos kay bibo ang silya upang maupuan ng bata. Pinatayo ng titser ang bagong bata,
Titser : Halika dito sa harapan at ipakilala mo ang iyong sarili
Bagong bata : (nangingig) Aaakooo pppoooo siiiii rooogggeelllliiiooo, pitong taon gulang.
Umupo na ulit ang bagong istudyante. Kinausap ni bibo ang bagong bata.
bibo : ako nga pala si bibo ang pinakamatalino sa buong klase. Mabait ako hindi ako kumakain ng tao.
Rogelio : ako naman si rogelio, kinagagalak kitang makilala. Eh bakit kanina nung nakita kita nakatayo ka sa harapan.
Nagisip si bibo para sa palusot na isasagot niya kay rogelio
Bibo : Ahhh, wala un ganun talaga pinagagawa sakin tuwing umaga . (walang maisip na magandang palusot)
Pinansin sila ng titser, Silang dalawa lang ang maingay at ang lahat ay nakikinig sa lektsur ng titser. Si bibo nanaman ang pinagtripan. Pinagalitan at pinatahimik ang dalawa.
Paboritong subject ni bibo : Recess
Walang kasama ang bagong bata, Dahil sa may pagka wirdo tinatawanan siya ng mga bata. To the rescue naman si bibo. Matapang at ayaw ng may naaapi si bibo. Sinamahan niya si rogelio at nilibot nila ang buong school. Nagkwentuhan ng matagal, tungkol sa mga bagong laro, tulad ng tumbang preso ang paboritong laro ni bibo at ang luksung baka. Isang minuto nilang bago magsimula ang klase.
Limang subject ang kailangan nilang pagaaralan pa bago sila makauwi. Tinatamad nanaman si bibo. Nakatulog si bibo sa klase, nakita ito ni rogelio pero hindi pa napapansin ng kanilang guro na tulog si bibo.
rogelio : bibo gising ka na diyan, baka mahuli ka ni titser (pabulong)
bibo : zzzz ( tulog parin)
rogelio : Si titser nasa harapan mo na (patawang sinasabi ni rogelio)
Nagulat naman si bibo at biglang gising, nawala na ang antok ni bibo..
uwian na..
Nagpaalam ang bagong kaibigan ni bibo sa kanya ganun din si bibo sabay silang lumabas ng eskwela naghiwalay ng landas. Kinabukasan daw ay maglalaro sila ng kanilang paboritong laro. Sa recess sila maglalaro at magyaya sila ng mga kaklase para may kalaro sila
Bahay namin :
ako : Parehas kayong momonggi at magkatabi pa kayo sa upuan. Saan ka makaka-kopya niyan pag may pagsusulit kayo.
bibo : matalino naman ako hindi nga lang ako nag-aaral
(sfx : kulog sa loob ng tiyan ni bibo)
Oo nga pla wala nga palang kain si bibo, Parang sa bahay nanamin nakatira si bibo dahil tuwing gabi dun siya kumakain kasabay ko.
Tuyo at itlog na maalat ang ulam, okey lang kay bibo kung anu ang ulam hindi naman kasi mapili sa pagkain kung chalk nga kinakain eh.
Nagpaalam na sa akin si bibo at ako naman umakyat na para gumawa ng takdang aralin.
Naglalaro ang mga bata sa labas, rinig ang ingay ng lata at sigawan. Isa sa mga pinakamalakas na sigaw ay ang boses ni bibo. Kabisado ko na kasi ang boses niya. Unting unti nauubos ang bata sa kalsada para umuwi.
Dito nagtatapos ang istorya ni bibo sa pagkakaroon ng bagong kaibigan sa kanyang buhay.
Bukas ulit.
January 27, 2010 at 10:06 am
kulet kulet naman
January 29, 2010 at 1:55 pm
rofl
January 31, 2010 at 2:30 am
galing