Mag gagabi nanaman makikita ko ulit ang muka ni bibo, naririnig ko na ang boses at mga yapak ng kanyang paa. Pumasok na ng bahay si bibo, madungis tignan at mukhang hindi parin naliligo. Inalok ko ng pagkain, himalang tinanggihan ang kanyang paboritong ulam “sinigang na baboy” bagong luto at masarap higupin ang sabaw. Hindi ko muna pinakwento kay bibo ang mga nangyari sa kanyang iskul. Kumain muna ako at hinugasan ang mga pinggan.
Ako : oi bibo ayaw mo talagang kumain. Nakakagulat ka ngayon huh.
bibo : busog pa ako kanina sa kinain kong banana q.
Ako : banana q lang yun, walang sustansya. Baka pati stick kinain mo hind stick o un hah!
bibo : sinubukan kong kainin pero hindi kaya ng ngipin ko, kaya sinipsip ko nalang.
ako : hahaha abnormal ka talagang bata ka, kwento mo nalang yung laro mo sa iskul.
bibo : o sige, pahingi ako ng tubig lagyan mo na din ng asukal para may lasa.
Inabot ko kay bibo ang tubig na may asukal, napaka-wirdo talaga ni bibo. Sisimulan na ni bibo ang kanyang kwento.
Oras ng recess :
Tulad ng usapan niyaya ni bibo si rogelio para maglaro ng tumbang preso, pati klasmates nila ay niyaya nila sa laro. Mahigit sampu ang kasali sa larung tumbang preso. Humingi sila ng lata sa kantin.
aleng lumeng : Saan ninyo naman gagamitin ang lata aber?
mga bata : maglalaro po kami ng tumbang preso.
Binigay ni aleng lumeng ang latang walang laman. Patakbong lumabas ang mga bata palabas ng kantin sabik na sabik na maglaro.
Batang uhugin : Tara maalis taya tayo. Para malaman natin kung sino ang taya
Batang kutuhin : Kampihan nilang
Batang galisin : Ung tumbang lata nilang ( ang tumbang lata ay ang paraan na ihahagis ang lata at pag nakatayo ay ligtas ka)
Pero ang nagwagi ay si batang uhugin nag maalis taya sila. Tatlo nilang ang natitira at ito ay sila rogelio, bibo, at ang batang kutuhin. Medyo kinakabahan si bibo dahil alam niya pagdating sa ganyan ay malas siya. Tumama ang kutob niya na siya ang magiging taya.
Bibo : ayawan na!
Batang siga : hoy bibo wag kang madaya ikaw nagyaya samin tas aayaw ka, gusto mong makonyatan ni goku?
Bibo : sige na nga
Nagsimula na ang laro. Unang tira pa lang ng sapatos ay tumba na agad ang lata.
Bibo : walang titira, ang tumira taya.
Hinabol ni bibo ang bata inikot ang buong palaruan. Pero hindi nagwagi si bibo sa paghabol niya, Mabagal at mahina sa takbuhan si bibo. hingal na hingal at nag tympers muna si bibo. Balik laro na ulit sila. Medyo swerte, hindi tumama ang unang tira, ganun din sa pangalawang tira sa panglimag tira ay tumumba na ang lata. Tinayo ang lata at hinabol ang mga batang nagtatakbuhan. Sampung minuto na ang lumilipas at malapit ng matapos ang kanilang recess hindi parin napapalitan si bibo sa pagiging taya. Pawis na pawis si bibo sa kanilang paglalaro, madumi na ang kanilang mga uniporme. Pagpasok sa klasroom nangangamoy pawis ang mga batang nag tumbang preso. Mahina sa laro si bibo, pero malakas mag yaya maglaro kahit alam niyang mababalagong lang siya.
Bahay namin:
ako : waah balagong ka pala eh, akala ko ba malakas ka. eh malakas ka lang magyaya eh.
bibo : malas lang ang araw ko. Wala kasi akong kain, Hindi pa nga ako nag ggym.
ako : ano mag ggym ka sa lagay ng katawan mong yan. Eh isang ihip lang ng hangin lilipad ka na parang saranggola
bibo : sige na nga alis na ako, lagi mo nalang ako inaasar. Bukas nilang ulit. Pakain ako bukas dito tirhan mo ako ng sinigang na baboy.
ako : sige umuwi ka na nga mamaya hinahanap ka na sa inyo.
Naalala niyo pa ba nung mga bata pa kayo, kung sino man sa inyo ang naglalaro nang tumbang preso siguro ay maalala niyo ang nangyari kay bibo baka kasi nangyari din ito sa inyo. Ako siguro dalawang beses lang ako nabalagong sa larung ito. Masarap talagang maging bata paminsan minsan, pero sa iba ang pagiging bata ay napakasaklap para sa kanila, bakit ko nasabing masaklap. May mga bata kasing tinutukso at minsan ay pinaiiyak ng mga nakakatanda sa kanila, kaya minsan ang mga matatandang iba ay kinalilimutan nila ang pagiging isang bata.
Sa susunod ulit
magandang gabi at salamat sa inyo
January 29, 2010 at 1:27 am
hoy loko ka bat mo kinekwento yan?
January 29, 2010 at 2:41 am
balagong
January 31, 2010 at 2:35 am
salamat!